Philippine Showbiz Today Vol 12 No 8 | Page 25

Philippine Showbiz Today 25
April 22 - May 7 , 2017

Philippine Showbiz Today 25

12 . Bahay-ampunan 13 . Beri-beri 14 . Pamantasan sa Diliman 16 . Imbakan ng tubig 18 . Korporal 20 . Bubong 24 . Ginto 25 . Lugar sa Zambales 26 . Lubha 28 . Ugali 29 . Local Area Network , panitik 31 . Palangga , pinaikli 32 . Intindi 36 . Lugar sa Nueva Ecija 37 . Uso 39 . Termino sa boksing 40 . Sombra 41 . Bahay-suso
5 . Aquino , Senator 6 . Daras 7 . Jeremy , NBA cager 8 . Mistula 9 . Distress signal 15 . Kawangki 16 . Nota 17 . Kasalungat ng mura 19 . Manute , namayapang
NBA cager 21 . Ayos sa buhok
22 . Sangga 28 . Hulapi 29 . Alpabeto 30 . Isang uri ng prutas 32 . Yugyog 33 . Brand ng gatas ng sanggol 34 . Dusta 35 . Pananong 38 . Kataga 39 . Panghalip panao ●
Solution on PAGE 20
PAHALANG : 1 . Bukal ng tubig 5 . Asukal 10 . Ingay ng daga 11 . Timeout , panitik
PABABA : 1 . Isang uri ng kabibe 2 . Huni ng malaking ibon 3 . Hudyat sa taguan 4 . Purok

Y O U R W E E K L Y

Aries ( March 21 – April 19 )
Magandang oportunidad ang nakalaan sa iyo ngayong buwan . Kung may nawala man , may kapalit agad iyon . Kung single ka , huwag mong ibababa ang pamantayan mo sa magiging kasama mo habangbuhay . May darating na pusong tamang-tama sa iyo . OK ang ika-16 , 24 at 25 . Ingat sa ika-17 , 18 at 30 .
Taurus ( April 20 – May 20 )
Matagal ka nang parang may dinaramdam . Ngayon ay makikita mo na kung bakit . Kung kalusugan , malalaman mo ang dahilan at magagawan mo ito ng solusyon . Kung tungkol sa puso , lilinaw na ang lahat . Kung sa pera , darating ang hinihintay mong kita . OK ang ika-17 , 18 , 26 at 27 . Ingat sa ika-19 , 20 at 21 .
Gemini ( May 21 – June 20 )
Kumplikado talaga ang pag-ibig . Kung may mga oras na nalilito ka kung nasaan ang inyong relasyon , manahimik ka na lang muna . Huwag mo nang palalain pa . Huwag ka ring aasa sa imposible . Maging makatotoo ka at makikita mo ang katahimikan . OK ang ika-19 , 20 , 21 , 28 at 29 . Ingat sa ika-16 , 22 at 23 .
Cancer ( June 21 – July 22 )
Wala kang problema sa iyong trabaho . Masipag ka at alam mo ang ginagawa mo . Sapat na iyon upang pakinabangan mo ang hanapbuhay . Mag-ingat ka sa mga tao na aayain kang maglagay ng puhunan sa bagong negosyo . Bantayan mo rin ang kalusugan . OK ang ika-22 , 23 at 30 . Ingat sa ika-17 , 18 , 24 at 25 .
Leo ( July 23 – Aug . 22 )
May matinding atraksyon kang nararamdaman sa isang tao na bago mo pa lang nakikilala . Malamang ay nararamdaman din niya ito para sa iyo . Kung single ka , hayaan mong yumabong ang inyong pagiging magkaibigan at kilalanin mo muna siya ng husto . OK ang ika-16 , 24 at 25 . Ingat sa ika-19 , 20 , 21 , 26 at 27 .
Virgo ( Aug . 23 – Sept . 22 )
Huwag sanang manghihina ang loob mo kung hindi natutupad agad ang mga plano . May mga bagay na haharang sa tagumpay ng mga nais mong gawin . Habaan mo ang pasensya . Palipasin mo ang buwan ng Abril . Buwenas ang mga susunod na buwan . OK ang ika-17 , 18 , 26 at 27 . Ingat sa ika-16 , 22 , 23 , 28 at 29 .

H O R O S C O P E

Libra ( Sept . 23 – Oct . 22 )
Iwasan mong pumasok agad sa isang relasyon lalo na kung hindi ka sigurado . Huwag kang padadala sa buyo ng mga nakapaligid sa iyo . Hindi ka mauubusan ng magiging ka-partner mo sa buhay . Kung “ reto ” ng kaibigan , huwag kang magpa-pressure . OK ang ika-19 , 20 , 21 , 28 at 29 . Ingat sa ika-17 , 18 , 24 , 25 at 30 .
Scorpio ( Oct . 23 – Nov . 21 )
Kung nasasaktan ka kapag pinapansin niya ang iyong timbang o itsura , baka oras na para maghanap ka ng iba . Kung ang basehan ng romansa ay pisikal na anyo , di ba parang ang “ babaw ” naman niya ? Gusto mo bang palagi ka niyang iniinsulto ? Di tama iyon . OK ang ika-22 , 23 at 30 . Ingat sa ika-19 , 20 , 21 , 26 at 27 .
Sagittarius ( Nov . 22 – Dec . 21 )
Parang may napipisil ka na para sa magiging partner mo pero may duda pa rin sa puso mo kung siya na nga ba ang magpapaligaya sa iyo . Kung hindi mo makalimutan ang nagdaang karelasyon at lagi kang nagkukumpara , baka nga hindi pa tama ang panahon . OK ang ika-16 , 24 at 25 . Ingat sa ika-22 , 23 , 28 at 29 .
Capricorn ( Dec . 22 – Jan . 19 )
Nagsasawa ka na sa tabaho mo at talagang gusto mo nang maghanap ng iba para sa kabuhayan . Pero , madali ka kayang makakakuha ng kapalit sa hanapbuhay mo ngayon ? Mahalin mo muna ito dahil napakahirap humanap ng ibang trabaho ngayon . OK ang ika-17 , 18 , 26 at 27 . Ingat sa ika-24 , 25 at 30 .
Aquarius ( Jan . 20 – Feb . 18 )
Mag-focus ka para mapabuti ang iyong kalusugan . Kung naghihina ka , baka kulang ka sa tulog at tamang pagkain . Ayusin mo ang iyong mental health , kadalasan ang mga nararamdamang sakit ay dahil lamang sa magulong sitwasyon ng emosyon . Mag-meditate ka . OK sa ika-19 , 20 , 21 , 28 at 29 . Ingat sa ika-26 at 27 .
Pisces ( Feb . 19 – March 20 )
Ayusin mo ang iyong pisikal na kaanyuan . Piliin mo ang iyong damit na tama para sa iyong edad . Mahirap pagtiwalaan ang isang tao na kakaiba ang itsura . Mahalaga ito lalo na kung may mga bago kang kakilala na inaasahan mong tutulong sa iyong negosyo o proyekto . OK ang ika-22 , 23 at 30 . Ingat sa ika-16 , 28 at 29 . ● - G . G .